LAHING GARCIANO, IPINAGMAMALAKI KO! 💙

 


LAHING GARCIANO, IPINAGMAMALAKI KO!

💙
Ikinararangal ibalita ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia, sa pangunguna nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, Gov. Mike Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang opisyal na pag-angat ng ating munisipalidad mula 2nd Class patungo sa pagiging isang 1st Class Municipality sang-ayon sa Republic Act No. 11964.
Ang tagumpay na ito na magiging epektibo sa susunod na taon, Enero 2025, ay salamin hindi lamang ng mahusay na pamamalakad ng pamahalaang bayan kundi gayundin ng matibay na suporta ng mga mamamayan at ng makabuluhang resulta ng pagiging disiplinado at mabuting tao ng mga Garciano.

Post a Comment

0 Comments