Dumating na sa Municipal Compound ang pinakabagong police patrol vehicle ng Philippine National Police (PNP) Padre Garcia na ipinagkaloob sa mga Garciano ng mahusay at maaasahang ama ng lalawigan ng Batangas, Governor Hermilando "Dodo" Mandanas.
Ang naturang pamimigay ng mga bagong sasakyan ay bahagi ng mas pinaigting na programang pang-seguridad ng pamahalaang panlalawigan kalakip ang pagsusumikap ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia sa pangunguna nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, Hon. Mike Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
0 Comments