Binasbasan kahapon ni kura paroko, Rev. Fr. Arnold Rosal, OSJ, ang pinakabagong modernong ambulansya ng bayan ng Padre Garcia





 Binasbasan kahapon ni kura paroko, Rev. Fr. Arnold Rosal, OSJ, sa harap ng Most Holy Rosary Parish ang pinakabagong modernong ambulansya ng bayan ng Padre Garcia na nagkakahalaga ng dalawa at kalahating milyong piso (Php 2,500,000.00).

Ang naturang ambulansya, na siya nang ikalawang ambulansya ng lokal na pamahalaan, ay nabili sa pamamagitan ng Local Government Support Fund-Financial Assistance (LGSF-FA) mula kay Sen. Francis Tolentino at ng 20% development fund ng Padre Garcia LGU.

Post a Comment

0 Comments