Kinilala sa flag raising ceremony kaninang umaga ang mga mag-aaral na atleta na nag-uwi ng medalya para sa bayan ng Padre Garcia sa katatapos lamang na 2024 Division Sports Competition na ginanap sa mga bayan ng Calaca at Balayan.
Ibinahagi naman ng biseng-biseng kaibigan ng mga mamamayan, Kgg. Micko Angelo Rivera, ang pangarap niyang pagpapatayo ng Padre Garcia Sports Complex upang higit na mapaghusay ang pagsasanay ng mga manlalarong Garciano.
0 Comments