Sinubukan ni Mayor Celsa Braga-Rivera ang queuing and revenue collection system ng lokal na pamahalaan na siya ngayong sumasalubong sa mga Garciano at iba pang mga kliyente sa tuwing sila ay nagtutungo sa Padre Garcia Municipal Building.
Layunin ng makabagong sistema na higit na maisaayos ang proseso ng pagsasagawa ng mga transaksyon sa bawat tanggapan at regular na maitala ang impormasyon ng mga mamamayan na bumibisita sa pamahalaang bayan.
0 Comments