Pinaunlakan ng ina ng bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, at ng noo'y alkade ng Padre Garcia, Kgg. Mike Rivera, ang imbitasyon ni Governor Dodo Mandanas sa isinagawang pagdiriwang kahapon ng Paskong Batangueño sa Kapitolyo 2024 kung saan pormal na pinailawan ang higanteng Christmas tree at ang buong Provincial Capitol Compound.
Ipinarating din ng mag-asawang lingkod bayan ang paanyaya ng mga Garciano kina Governor Dodo Mandanas, Vice Governor Mark Leviste, Atty. Angelica Chua-Mandanas, at buong Sangguniang Panlalawigan ng Batangas para sa nalalapit na ika-75 taong pagkakatatag ng bayan ng Padre Garcia kasabay ng selebrasyon ng Kabakahan Festival 2024.
(Mga litrato mula sa Batangas PIO)
0 Comments