Itinaas sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa harap ng Municipal Compound bilang pakikiisa ng bayan ng Padre Garcia sa "National Day of Mourning" para sa lahat ng mga nasawi dahil sa Bagyong Kristine na idineklara ng Malacañang sa bisa ng Proclamation No. 728.
Nakikiramay ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia, sa pangunguna nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, Gov. Mike Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa lahat ng mga naging biktima ng nagdaang sakuna.
0 Comments