Ipinaramdam nina Mayor Celsa Braga-Rivera at Governor Mike Rivera ang mainit na pagtanggap sa mga ambulance drivers magmula sa iba't ibang bahagi ng lalawigan sa isang training na inilunsad ng University of Batangas College of Law na kasalukuyang isinasagawa sa Padre Garcia Municipal Auditorium.
Kabilang ang mga programang pangkalusugan sa mga prayoridad ng administrasyong Rivera kung kaya't ikinalulugod ng lokal na pamahalaan na mapili ang bayan ng Padre Garcia bilang venue ng nasabing gawain lalo na at nakatakda nang buksan sa susunod na taon ang Padre Garcia Community Hospital.
0 Comments