Nakipag-ugnayan kay Mayor Celsa Braga-Rivera ang DepEd Padre Garcia Sub-office





 Nakipag-ugnayan kay Mayor Celsa Braga-Rivera ang DepEd Padre Garcia Sub-office sa pangunguna ng masipag na Public Schools District Supervisor, Dr. Raul Napeñas, tungkol sa gaganaping Division Sports Meet 2024 kung saan mahigit tatlong daang (300) mga atletang Garciano ang ipadadalang delegasyon ng bayan ng Padre Garcia.

Nangako ang mapagkalingang ina ng bayan na sasagutin ng lokal na pamahalaan ang pagkain ng mga manlalaro kalakip ang pag-alalay sa mga guro at mga mag-aaral tungkol sa usapin ng kanilang transportasyon.

Post a Comment

0 Comments