Nagpatupad na ng preemptive evacuation ang Padre Garcia Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office





 Nagpatupad na ng preemptive evacuation ang Padre Garcia Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pakikipagtulungan sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) upang mailikas ang mga residente sa Sitio Ilaya ng Brgy. Poblacion na posibleng labis na maaapektuhan sa oras na maramdaman ang bagsik ni Super Typhoon Pepito.

Ayon sa pinakahuling datos, umabot na sa dalawampung (20) pamilya na may kabuuang bilang na walumpu't pitong (87) indibidwal ang nailikas ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia at kasalukuyan silang nananatili sa bahay pamahalaan ng Brgy. Poblacion.

Post a Comment

0 Comments