Binuo na ng Municipal Tourism, Culture, and Arts Office sa pangunguna ni Dr. Ohmie Diaz ang Secretariat Committee para sa nalalapit na 75th Founding Anniversary ng bayan ng Padre Garcia na agad nagkaroon ng pagpupulong ngayong gabi sa Municipal Conference Room.
Ang nasabing komite ang magsisilbing pangunahing grupo na siyang tututok sa magiging daloy ng lahat ng mga nakalinyang gawain kasabay ng pagdiriwang ng Kabakahan Festival 2024.
0 Comments