Nagtapos na sa apat na araw na training ang mga punong-barangay, barangay functionaries, at mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na lumahok sa Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) na ginanap sa Motorpool Training Center sa Brgy. Cawongan.
Layunin ng nasabing pagsasanay na makapagbigay ng sapat na kaalaman tungkol sa mga sakuna at kalamidad lalo't higit ay sa iba't ibang mga uri ng pinsala na dulot ng mga ito, mga pangangailangan ng mga taong apektado, at ang kakayanan ng lokal na pamahalaan sa usapin ng pagsaklolo.
0 Comments