Naghandog ng isang medical mission para sa mga Garciano ang "TOL" Ng bawat Pilipino, Sen. Francis Tolentino, sa pamamagitan ng kaniyang anak na si Tagaytay City Councilor Michael Francis Tolentino na isinagawa noong Biyernes sa Padre Garcia Municipal Auditorium.
Labing-apat (14) na pasyente ang nakatanggap ng libreng wheel chairs, labing-isa (11) ang nabiyayaan ng libreng dentures, at tatlumpu't lima (35) ang nabigyan ng libreng eye glasses samantalang dalawang daang (200) hypertensive at dalawang daan (200) ding diabetic patients naman ang napagkalooban ng tatlong buwang supply ng libreng gamot.
0 Comments