Kinilala ng lokal na pamahalaan ngayong Lunes, kasabay ng flag raising ceremony, ang mga mamamahayag na Garciano na nagwagi sa 2024 Division Schools Press Conference ng lalawigan ng Batangas na ginanap noong ika-8 hanggang ika-9 ng Nobyembre.
Ginawaran din ng Schools Division of Batangas ng katibayan ng pagkilala ang mahusay na ina ng bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, bilang pasasalamat sa pamahalaang bayan sa pagiging katuwang ng Kagawaran ng Edukasyon sa matagumpay na pagdaraos ng DSPC 2024 sa bayan ng Padre Garcia.
0 Comments