HAPPENING NOW: Nakikiisa ang mga kawani ng lokal na pamahalaan kasama si Acting Mayor, Hon. Micko Angelo Rivera, sa isang banal na misa na isinasagawa sa Padre Garcia Municipal Auditorium na pinangungunahan ni Rev. Fr. Christopher Mapalad, OSJ mula sa Most Holy Rosary Parish.
Kalakip ng pagdalo sa banal na pagdiriwang ay ang taimtim na panalangin ng LGU Family na nawa ay patuloy na maging sentro ang Panginoon sa lahat ng serbisyo publiko na inihahandog nila sa mga Garciano.
0 Comments