Dumalo si Acting Mayor, Hon. Micko Angelo Rivera, sa grand opening ngayong araw ng kauna-unahang one-stop shopping mall sa bayan ng Padre Garcia — ang Lucky Golden Shopping Mall na matatagpuan sa Diversion Road ng Brgy. Poblacion.
Nagbigay ng trabaho para sa maraming Garciano ang pagbubukas ng nasabing shopping mall at inaasahang magpapasok din ito ng karagdagang buwis na siyang gagamitin ng lokal na pamahalaan upang pondohan ang mas marami pang mga programa at proyektong pambayan.
0 Comments