2024 DCBER Division Research Caravan 2.0 ng Schools Division of Batangas





 Pinaunlakan ng lokal na pamahalaan ang kahilingan ng masipag na Pampurok-Tagamasid ng Padre Garcia Sub-office, Dr. Raul Napeñas, na magamit ang Municipal Auditorium at Municipal Conference Room bilang venue ng 2024 DCBER Division Research Caravan 2.0 ng Schools Division of Batangas ngayong araw ng Martes, ika-12 ng Nobyembre.

Kinilala naman ng Pambayang Administrador, Kgg. Christopher Comia, ang mahalagang gampanin ng pananaliksik na ginagawa ng mga guro tungo sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon na natatamasa ng mga mag-aaral kalakip ang pangako na patuloy na magiging kabalikat ng DepEd ang pamahalaang bayan sa pagtataguyod nito.

Post a Comment

0 Comments