Umaksyon agad ang Padre Garcia MDRRMO


Umaksyon agad ang Padre Garcia MDRRMO upang tanggalin ang mga punong humambalang sa kalsada at sumabit sa mga linya ng internet connection dulot ng Bagyong Kristine partikular na sa Sitio Patik ng Brgy. Pansol at sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Bawi.

Hindi inaalintana ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ang pagbuhos ng ulan sa layunin na hindi maantala ang pagresponde sa mga Garcianong nangangailangan ng tulong at upang maiwasan ang pagkaputol ng serbisyo ng kuryente at linya ng komunikasyon sa bayan ng Padre Garcia.

Post a Comment

0 Comments