Panunumpa ng mga bagong halal na opisyales ng School Governing Council (SGC) ng Padre Garcia

 



Nanumpa noong Lunes sa harap ng masipag na ina ng bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, ang mga bagong halal na opisyales ng School Governing Council (SGC) ng Padre Garcia Integrated National High School sa pangunguna ng kanilang Chairperson, Dr. Mary Jane Gonzales, na siya ring punongguro ng paaralan.

Ikinatuwa naman ng punong-bayan na well-represented sa nasabing batch ng SGC ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan, mga uniformed personnels, mga guro, mga magulang, at mga mag-aaral na aniya'y magtataguyod ng maayos na ugnayan ng bawat sektor ng pamayanan sa bayan ng Padre Garcia.

Post a Comment

0 Comments