Pagtatalaga ng mga security at health desks sa lahat ng mga sementeryo sa bayan ng Padre Garcia.





 Sinigurado ng pamahalaang bayan ang kaligtasan at katahimikan ng paggunita ng mga Garciano sa Araw ng mga Namayapa sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga security at health desks sa lahat ng mga sementeryo sa bayan ng Padre Garcia.

Kabilang sa mga nagbantay sa katatapos lamang na Undas ay ang mga barangay health workers (BHWs) at barangay functionaries, mga kawani ng lokal na pamahalaan mula sa Rural Health Unit (RHU), Traffic Management Division (TMD), at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at mga uniformed personnels mula sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Post a Comment

0 Comments