Ilulunsad ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia ang programang Lingkod Pag-IBIG on Wheels sa darating na ika-8 ng Oktubre, araw ng Martes, na gaganapin sa CBR Area ng Municipal Ground mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon upang mailapit sa mga mamamayang Garciano ang mga serbisyong handog ng ahensiyang nabanggit.
Kabilang sa mga maaaring isagawa sa ilalim ng nasabing programa ay ang pagpaparehistro ng mga bagong miyembro at empleyado, muling pag-activate ng membership, pagpapatala ng mga kwalipikadong miyembro para sa Multi-Purpose Loan (MPL) o Calamity Loan, pagwawasto ng datos ng mga kasapi, at iba pang mga proseso na may kinalaman sa Pag-IBIG Fund.
Para sa mga requirements sa bawat aplikasyon, mangyaring basahin ang nilalaman ng infographics sa ibaba.
0 Comments