Pinarangalan ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia, sa pamamagitan ng Municipal Tourism, Culture, and Arts Office, ng Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) Pearl Award 2024 bilang isa sa mga Most Tourism-oriented LGUs sa buong Pilipinas kasabay ng isinasagawang 25th National Convention na kasalukuyang ginaganap sa South Cotabato.
Ang nasabing pagkilala ay personal na tinanggap ni Sir Ohmie Diaz, Municipal Tourism Officer ng bayan ng Padre Garcia, na nagpaabot ng kaniyang lubusang pasasalamat sa pamahalaang bayan na pinangungunahan nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan kalakip ang pangako ng patuloy na pagpapayabong ng turismong Garciano.
0 Comments