JUST IN: Bilang pagsunod sa anunsiyo ng Provincial Government of Batangas, suspendido na ang klase bukas sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Batangas dahil pa rin sa inaasahang matinding pagbuhos ng ulan dala ng Bagyong Kristine.
Wala na ring pasok sa lahat ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan subalit ang mga kawani na nagbibigay ng pangunahing serbisyo publiko ay mananatili pa ring nakahanda upang tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan.
0 Comments