Ipinahayag ng mga bagong halal na opisyales ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) sa harap ng kanilang Honorary Chairman, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang buong-puso nilang pagtanggap sa kanilang bagong tungkulin at ang pangako nilang pagganap sa mga responsibilidad na kalakip nito.
Kasama ni MCDC Honorary Vice Chairperson, Konsehal Andoy Linatoc, nanumpa sina G. Victor Reyes bilang Chairperson, G. Noli Padua bilang Vice Chairperson, Gng. Glenna Manguiat bilang Secretary, Gng. Gloria Morris bilang Treasurer, G. Reynaldo Gomez bilang Auditor, at Bb. April Padilla bilang Secretariat.
0 Comments