Dinala sa kalawakan ng DOST-PAGASA Space Science and Astronomy Section at International Planetarium Society ang mga mamamayang Garciano sa isinagawa nilang Free Mobile Planetarium Show sa Padre Garcia Cultural Center kasabay ng selebrasyon ng ika-100 anibersaryo ng Planetarium.
Nagsilbi rin ang nasabing pagtatanghal bilang isang educational event para sa mga kabataan matapos itong saksihan ng mga mag-aaral mula sa ilang mga pampublikong paaralang elementarya sa bayan ng Padre Garcia.
0 Comments