Patutunayan ni Kgg. Erwin Estole na "Konsehal Inog never stops" ngayong darating na Sabado, Oktubre 12, sa ilulunsad niyang Free Basketball Clinic para sa mga kabataang Garciano na gagawin sa Banaba Gymnasium sa ganap na ika-8:00 ng umaga.
Ang programang nabanggit ay inisyatibo ni Kon. Inog Estole na siyang tagapangasiwa ng komitiba ng isports sa pakikipagtulungan nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, SK Federation President Raphael Dimayuga, at ng Decena Foundation.
0 Comments