ANUNSIYO PARA SA MGA GARCIANO
Suspendido na rin ang trabaho sa lahat ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia ngayong araw, ika-24 ng Oktubre, matapos itaas ng PAGASA ang lalawigan ng Batangas sa Signal No. 2 dahil sa mas tumitinding paghagupit ni Bagyong Kristine.
Gayunpaman, ang mga kawani na nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo ay mananatili pa ring nakahanda upang gumanap sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan.
0 Comments