ANUNSIYO PARA SA MGA GARCIANO | Walang Pasok...



 ANUNSIYO PARA SA MGA GARCIANO

Matapos ang rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), idineklara na ni Mayor Celsa Braga-Rivera na suspendido ang klase bukas, araw ng Biyernes, sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Padre Garcia.
Kasalukuyan pa ring nakataas ang Signal No. 1 sa bayan ng Padre Garcia samantalang nasa Red Rainfall Warning naman ang lalawigan ng Batangas kaugnay ng paghagupit ng Bagyong Kristine kung kaya't patuloy na pinaaalalahanan ang lahat ng mga Garciano na manatili sa loob ng mga tahanan at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat isa.

Post a Comment

0 Comments