Nagpakita ng suporta ang lokal na pamahalaan sa ginaganap na 2024 District Sports Competition kung saan nagtatagisan ng husay sa larangan ng palakasan ang mga atletang Garciano na kinabibilangan ng mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong elementarya at sekondaryang paaralan sa bayan ng Padre Garcia.
Dumalo sa opening program ng nasabing kompetisyon ang masipag na punong-bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, kasama ang tagapangasiwa ng komitiba ng edukasyon, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan kabilang si Kon. Inog Estole na siyang nakatalaga bilang Committee Chair on Sports.
0 Comments