TINGNAN: Nagsagawa ng general cleaning, bagama't araw ng kanilang pahinga, ang mga kawani ng lokal na pamahalaan





 TINGNAN: Nagsagawa ng general cleaning, bagama't araw ng kanilang pahinga, ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa iba't ibang bahagi ng kabayanan ng Padre Garcia ngayong araw ng Sabado, Setyembre 21, na sinimulan sa ganap na ika-5:30 ng umaga.

Ang ganitong gawain ay pinasimulan taong 2016 ng noo'y alkalde ng bayan at susunod na ama ng lalawigan ng Batangas, Kgg. Mike Rivera, at patuloy na isinasakatuparan sa ilalim ng administrasyon nina Mayor Celsa Braga-Rivera at Vice Mayor Micko Angelo B. Rivera.

Post a Comment

0 Comments