Pamamahagi na School Supplies bilang bahagi ng Balik Eskwela Program para sa S.Y. 2024-2025




 Isang matagumpay na araw para sa mga mag-aaral ng San Felipe Elementary School ang naisakatuparan sa pamamagitan ng mga naipamahagi na School Supplies bilang bahagi ng Balik Eskwela Program para sa S.Y. 2024-2025 sa pangunguna ng ating Vice Mayor Micko Angelo B. Rivera katuwang ng butihing ina ng ating Bayan, Mayor Mayor Celsa B. Rivera - 1 PADRE Garcia, sa buong suporta ng Sangguniang Bayan, sa bumubuo ng Sangguniang Barangay sa pamumuno ni Kap. Noriel Miranda at sa Sangguniang Kabataan ng San Felipe.

Taos pusong pasasalamat po ang nais iparating ng buong pamunuan ng San Felipe Elementary School, sa pamununo ni Dr. Shirley Glorey, sa mga tao sa likod ng programang ito. Ang inyo pong suporta at malasakit ay malaking tulong sa pag-aaral at pag-unlad ng ating mga mag-aaral. Tunay na ang inyong kabutihan ay nagbibigay inspirasyon sa mga batang ito at nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa kanilang kinabukasan.
Muli, salamat po sa pagiging katuwang namin sa pagtulong sa kanilang mga pangarap!

Post a Comment

0 Comments