Sa bisa ng Memorandum Circular No. 63 na inilabas ng Malacañang, bukod sa mga face-to-face classes sa paaralan ay suspendido rin ang pasok ng mga empleyado ng pamahalaan sa buong National Capital Region (NCR) at CALABARZON bukas, ika-3 ng Setyembre, araw ng Martes.
Samantala, ang mga kawani na nagbibigay ng pangunahing serbisyo publiko ay mananatili pa ring nakahanda upang tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan.
0 Comments