Niregaluhan ng apat na sewing machines ang bayan ng Padre Garcia







 Niregaluhan ni Kgg. Gerry Teves, kasama ng buong delegasyon mula sa Brgy. Putatan, Muntinlupa City, ang bayan ng Padre Garcia, sa pangunguna ni Kgg. Celsa Braga-Rivera, ng apat na sewing machines kasabay ng isinagawa nilang benchmarking activity sa modernong Padre Garcia Public Cemetery.

Noon pa mang panahon ng pandemya ay naramdaman na ng mga Garciano ang kabutihan ng puso ng mga taga-Brgy. Putatan matapos silang magkaloob sa Padre Garcia ng mga face masks, sampung libong (10,000) pares ng mga tsinelas, at isang libong (1,000) balot ng pandesal kada linggo.

Post a Comment

0 Comments