Nagbigay ng karangalan sa ating bansa ang kapwa natin Garciano na si Margarette Elaine Amante

 


Nagbigay ng karangalan sa ating bansa ang kapwa natin Garciano na si Margarette Elaine Amante, anak ni Kapitana Neneth Amante ng Brgy. Castillo, matapos siyang tanghaling 2nd Runner-up sa Shoot-off Competition at 4th Runner-up naman sa Lady Production Category sa ginanap na IPSC AustralAsia Handgun & PCC Championship 2024 sa Bali, Indonesia.

Ang buong bayan ng Padre Garcia sa pangunguna ng lingkod-bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, ay nagpupugay sa iyong tagumpay at nagpapasalamat sa pagpapamalas mo ng husay at abilidad ng mga mamamayang Garciano.

Post a Comment

0 Comments