MAHALAGANG ANUNSYO




 MAHALAGANG ANUNSYO

Para sa mga motorista na dumaraan sa bayan ng Padre Garcia, asahan po natin ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Padre Garcia-Lipa City National Highway at Padre Garcia-Tiaong National Highway sa darating na ika-5 ng Oktubre (mula 6:00 hanggang 8:00 ng gabi) at ika-6 ng Oktubre (mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali) dahil sa mga nakatakdang gawain kasabay ng kapistahan ng Our Lady of the Most Holy Rosary.
Kaugnay nito, magpapatupad ng truck ban ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia sa mga lugar na nabanggit sa Sabado (mula 4:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi) at sa Linggo (mula 6:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi) upang maiwasan ang labis na siksikan ng mga sasakyan sa mga lansangan.

Post a Comment

0 Comments