Isinagawa ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) ang kanilang 3rd quarter meeting noong nakaraang Biyernes sa Municipal Function Hall na dinaluhan ng mga chairpersons ng mga pangunahing kooperatiba sa bayan ng Padre Garcia kasama ang iba pang mga kinatawan.
Pangunahing tinalakay sa kanilang pagpupulong ang pagtugon sa mga kinakailangan ng kooperatiba, ang gaganaping KOOP Quiz 13th Blast sa ika-25 ng Setyembre, ang selebrasyon ng Coop Month sa susunod na buwan, at ang magiging partisipasyon ng nasabing council sa nalalapit na Kabakahan Festival at 19th Southern Tagalog Regional Cooperative Congress.
0 Comments