Binisita ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan ng San Juan, Batangas






 Binisita ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan ng San Juan, Batangas sa pangunguna ng kanilang pambayang administrador, Kgg. Annalyn Moraleja Macaraig, ang bagong bukas na Padre Garcia Polytechnic College (PGPC) sa Brgy. Castillo upang magsagawa ng benchmarking activity.

“Ang Padre Garcia Polytechnic College po ay nagmula sa puso at magtatapos sa puso,” saad ng dating alkade ng Padre Garcia at susunod na ama ng lalawigan ng Batangas, Kgg. Mike Rivera, habang ibinabahagi sa mga San Juaneños ang pundasyon, kasaysayan, at misyon ng PGPC.

Post a Comment

0 Comments