Tumawid ng kabilang rehiyon ang mga miyembro ng Department of Agriculture Regional Field Office 02





 Tumawid ng kabilang rehiyon ang mga miyembro ng Department of Agriculture Regional Field Office 02, Municipal Local Government Unit of Roxas, Isabela, at Cagayan Valley Region Ranchers Association Incorporated upang magsagawa ng benchmarking sa matagumpay na pamamalakad ng bayan ng Padre Garcia sa kanilang Livestock Auction Market.

Sa ginanap na courtesy call kasama ang mga bisita, ibinahagi ng mahusay na lingkod-bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, ang mga ginawang hakbang ng kaniyang administrasyon upang mapasigla ang negosyo ng paghahayupan sa bayan at patuloy na maiukit ang pangalan ng Padre Garcia bilang pinakamalaking pamilihan ng buhay na hayop sa kapuluan.

Post a Comment

0 Comments