Pinangunahan ng ina ng bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyales ng Solo Parent Association na nagmula sa iba't ibang barangay sa bayan ng Padre Garcia.
Kasama nina Municipal Government Department Head, Gng. Wilma Galela, at Kgg. Artemio "Teming" Gonzales, inilatag ng samahan ang kanilang mga plano kasabay ng opisyal nilang pagganap sa kanilang mga katungkulan.
0 Comments