Binisita ng mahusay na lingkod-bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, ang Padre Garcia Rural Health Unit (RHU) upang personal na alamin ang mga pangunahing pangangailangan ng pagamutang pang-bayan tungo sa higit na pagpapabuti ng kanilang serbisyo.
Ilan sa kaniyang mga nais tutukan matapos ang pagbisita ay ang pagkuha ng karagdagang mga tauhan, pagsasaayos ng mga pasilidad, at pagbili ng mga bagong kasangkapang pangkalusugan.
0 Comments