Isinagawa ngayong araw ang interview sa mga magulang ng mga kwalipikadong mag-aaral ng Senior High School mula sa Padre Garcia Integrated National High School na magiging benepisyaryo ng Tulong Eskwela Program na inisyatibo nina Kgg. Caloy Bolilia at Kgg. Lianda Bolilia sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Padre Garcia na pinangungunahan nina Kgg. Celsa Braga-Rivera, Kgg. Micko Angelo B. Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Limandaang (500) mga mag-aaral ang makakatanggap ng tig-Php 3,000 sa ilalim ng unang bugso ng Tulong Eskwela Program at ang pamamahagi nito ay magpapatuloy para sa dalawa pang pampublikong mataas na paaralan sa bayan: ang Pansol Integrated National High School at Bukal Integrated National High School.
0 Comments