Ang Mahal na Birhen ng Santisimo Rosaryo sa Padre Garcia Municipal Building





 Tinanggap ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ina ng bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, ang Mahal na Birhen ng Santisimo Rosaryo sa Padre Garcia Municipal Building na siyang magiging opisyal na tahanan ng imahen magmula sa araw na ito.

Katulad ng nakasaad sa kanilang panunumpa, ang pamamalagi ng Birhen sa loob ng munisipyo ay magsisilbing gabay ng mga kawani ng lokal na pamahalaan upang palagian nilang maisabuhay ang pagiging mga lingkod-bayan na maka-Diyos.

Post a Comment

0 Comments