Nagpabaha ng pagmamahal ang mga Garciano matapos magsilbing host ang bayan ng Padre Garcia sa 3rd Quarter Meeting ng Batangas Association of Local Disaster Risk Reduction and Management Officers (BALDRRMO) na ginanap kaninang umaga sa Padre Garcia Municipal Auditorium.
Sa kaniyang mensahe ng pagtanggap, ipinarating ng ina ng bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, ang kahandaan ng mga Garciano na tumulong sa ibang mga bayan at lungsod sa oras ng sakuna samantalang inilatag naman ng dating punong-bayan, Kgg. Mike Rivera, ang kaniyang mga balak gawin patungkol sa disaster management kapag siya na ang nakaupong gobernador ng lalawigan.
0 Comments