RICE FARMER FINANCIAL ASSISTANCE (RFFA)




 


RICE FARMER FINANCIAL ASSISTANCE (RFFA)

Nasa 78 na benepisaryo na mga magsasaka ng Bayan ng Padre Garcia ang nakatanggap ng kanilang ATM na may cash assistance mula sa Department of Agriculture bilang bahagi ng tulong sa kanila ng nasabing tanggapan.
Pinangunahan nina Butihing Ama ng Sangguniang Bayan at Bise Alkalde, Kgg. Micko Angelo B. Rivera at mga kasamahan nito sa Sangguniang Bayan ang pamamahagi ng RFFAkung saan kanilang binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagsasaka upang magkaroon ng seguridad sa pagkain.
Sa inisyatibo ni Mayor Celsa, layunin ng ganitong programa na mapagaan ang gastusin ng mga magsasaka sa paggamit ng pataba sa kanilang produksyon ng palay.

Post a Comment

0 Comments