Regional Quality Assessment Team (RQAT) mula sa Commission on Higher Education (CHED) RO-IV






Nagsanib-pwersa ang Local Government Unit (LGU) at Padre Garcia Polytechnic College (PGPC) na pinangungunahan ng ina ng bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, sa pagtanggap sa mga miyembro ng Regional Quality Assessment Team (RQAT) mula sa Commission on Higher Education (CHED) RO-IV na bumisita sa paaralan noong Lunes bilang pagtugon sa isa sa mga hakbang tungo sa opisyal na pagbubukas ng PGPC.

"Hindi biro ang magpasimula ng isang kolehiyo, ngunit ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya alang-alang sa katuparan ng pangarap ng mga mamamayang Garciano," saad ng punong-bayan sa kaniyang mensahe. 

Post a Comment

0 Comments