Nagcourtesy call sa Butihing Ina at Lingkod Bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera si PMAJ Raymon Tac-uyan Dayagan bilang bagong talagang hepe ng Padre Garcia Municipal Police Station.




Dumalo at nakiisa sa regular na flag raising ceremony ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia at nagcourtesy call sa Butihing Ina at Lingkod Bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera si PMAJ Raymon Tac-uyan Dayagan bilang bagong talagang hepe ng Padre Garcia Municipal Police Station.

Dito'y tiniyak ng bagong hepe ang kanyang suporta sa mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan lalo na sa seguridad ng mamamayan at bayan ng Padre Garcia. Nagpasalamat din ito sa mainit na pagtanggap ng mga opisyal at kawani ng nasabing bayan.

Post a Comment

0 Comments