Gumawa ng kasaysayan ang bayan ng Padre Garcia matapos pormal na pasinayaan ngayong araw ang Padre Garcia Polytechnic College (PGPC) sa Brgy. Castillo na pinangunahan nina Kgg. Celsa Braga-Rivera, Kgg. Micko Angelo Rivera, kasama ang dating ama ng bayan, Kgg. Mike Rivera.
Ang PGPC ang pinakaunang college campus sa munisipalidad at ang Padre Garcia rin ang kauna-unahang bayan sa ika-apat na distrito ng Batangas na nakapagbukas ng isang pampublikong kolehiyo.
0 Comments