Fresh Milk Supplemental Feeding kasabay ng 50th Nutrition Month Celebration




 Inilunsad kahapon ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia sa pangunguna ng mapagkalingang lingkod-bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, ang Fresh Milk Supplemental Feeding kasabay ng 50th Nutrition Month Celebration na dinaluhan ng mga kabataan, mga magulang, mga school heads, mga Barangay Health Workers (BHW), at mga kawani mula sa Rural Health Unit (RHU).

Walumpong mga bata ang nakatanggap ng sariwang itlog at gatas samantalang pinagkalooban naman ang Department of Education (DepEd) Padre Garcia Sub-office, na pinangungunahan ni Dr. Braulio Napeñas, ng mga vitamins na ipamamahagi sa mga mag-aaral na Garciano.

Post a Comment

0 Comments