Ipinamalas ng mga mamamayang Garciano ang kanilang magiliw na pagtanggap sa mga panauhin sa ginanap na 3rd Quarter Meeting and Benchmarking Activity ng Batangas Tourism Officers Association (BaTOA) kahapon sa Padre Garcia Municipal Auditorium.
Isa sa mga tinalakay sa pagpupulong ay ang listahan ng mga magiging kinatawan ng probinsya sa 25th ATOP (Association of Tourism Officers of the Philippines) Pearl Awards kung saan pasok ang bayan ng Padre Garcia bilang Best Tourism-Oriented Local Government Unit at ang Kabakahan Festival bilang Best Cultural Festival.
0 Comments