Ika-31 ng Mayo 2024. Isa na namang estranghero na nakilalang si Armando Ramos ng Narvacan, Ilocos Sur ang ang natulungan ating mga kasama sa TMD habang ito ang naglalakad na di alam ang patutungan at muntik ng mahimatay sanhi ng pagod at gutom. Napagalaman na siya nagtrabaho bilang constraction worker ng may 3 linggo sa Lipa City subalit ang kanilang sahod ay itinakas ng kanilang foreman. Ang kanyang mga kasama ay nag desisyon na magsipaguwian sa kanikanilang lalawigan at pinaldan ng mga kaanak ng perang gastusin. Subalit dahil sa kakapusan ay hindi siya napadalhan ng kanyang pamilya kaya't siya ay naiwan at nagpalaboy laboy sa loob ng sampung araw. Sa ng mga kagawad ng ating TMD, mga kababayan at mga nagtitinda sa palengke ay nakalikom ng sapat na halaga upang magamit niya sa kanynag paguwi. Maraming salamat Garciano na laging bukas ang puso at kalooban sa pagtulong sa kapwa.
0 Comments